Classy Pauiii: Isang Lahi

Monday, August 31, 2015

Isang Lahi

Nirerespeto ko ang bansang aking pinagmulan at iyon ay ang minamahal kong Pilipinas. Sa kabila ng trahedyang hinaharap ay muling tumayo ang Pilipinas para ipaglaban ang ating wika. 

Ngayon ay Agosto—buwan ng wika, at ipinagbunyi ng aming paaralan ang buwan na ito para isaisip ng bawat mag-aaral—lalo na ang mga kabataan ang kahalagahan ng ating wika. 

Language used: Tagalog (Philippines)






Isa itong parte ng aming eskwelahan at punong-puno ito ng mga dekorasyong may kaugnayan sa mga rehiyon sa Mindanao. Ang bawat silid ay binigyang-buhay ng mga estudyanteng nasa sekondaryang lebel.


Ang mga guro at mag-aaral ay nagpakitang-gilas ng kanilang talento sa pagsayaw ng “singkil” at labis kong ikinatuwa ang bigay-buhay nilang pag-eensayo para dito. 


Syempre, may mga larong Pinoy din na naganap sa aking paaralan.

Ang agawan-buko ay larong Pilipino ngunit maraming maaaring madisgrasya sa ganito lalo na't hindi na sanay ang mga Pilipino sa ganitong laro dahil nabuhay tayo sa modernong panahon na puro cellphone, tablet, at laptop na nilalaro na ng mga kabataan ngayon.




Ang mga kaibigan kong naglaro ng patintero ay tuwang-tuwa dahil sa paglagay ng uling sa kamay na ebidensya kung nataya na ba ang isang manlalaro. Walang ang mga mag-aaral na babae at ikinatuwa pa nila ito.

Ngayong buwan ay isang magandang alaala para sa akin dahil bumalik ang puso't isipan kong natabunan ng modernong teknolohiya sa aking pagkabaga at sa kaunting panahon ay naramdaman ko ang saya ng mga Pilipino noong wala pang mga gadgets sa kanilang paligid. 

Tunay nga na MAS MASAYA SA PILIPINAS dahil nabuhay ang mga Pilipinong may ngiti sa kanilang labi at may tamis sa kanilang puso. 

Muli, maligayang buwan ng wika sa ating mga Pilipino!

No comments:

Post a Comment